
Isang Tiktok creator ang nag-recreate ng ilang mga eksena mula sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Pumili si Roce Ordoñez ng ilang eksena ng mga bidang karakter na sina Klay (Barbie Forteza), Maria Clara (Julie Anne San Jose) at Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo) na makikita sa iba't ibang teasers at trailers ng serye.
Siya mismo ang gumanap sa tatlong lead characters at nakapaghanda pa ng mga simpleng costume para magaya ang mga bihis nito.
Ibinahagi niya ang two-minute video sa kanyang TikTok account na @incorrectlyroce.
Sa kasalukuyan, mayroon na itong mahigit 900,000 views at mahigit 200,000 likes.
Panoorin ang kanyang video dito:
@incorrectlyroce Scenario: Maria Clara at Ibarra sample trailer -- project assigned by their teacher #mariaclaraatibarra #mciangsimula ♬ original sound - Roce Ordoñez
Samantala, mainit ang naging pagtanggap on air at online sa unang episode ng Maria Clara at Ibarra kagabi, October 3.
Nagtala ito ng 15.1 combined ratings sa GMA at GTV na mas mataas kaysa sa katapat na programa na nakakuha 7.1 combined ratings mula sa limang magkakaibang channel.
Bukod diyan, naging top trending topic din ang official hashtag ng episode na #MCIAngSimula, habang pasok si Julie Anne San Jose bilang Maria Clara sa 8th spot at Barbie Forteza sa 16th spot.
Patuloy na panoorin ang historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER NA MAPAPANOOD SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: