
Talagang inabangan ng mga manonood ng Maria Clara at Ibarra ang paglabas ng karakter ni Elias na ginagampanan ni Rocco Nacino dahil top trending topic ito sa Twitter Philippines kagabi, November 21.
May mahigit 13,000 tweets ang hashtag ng Maria Clara at Ibarra kagabi na #MCIElias.
Sa episode 36 ng Maria Clara at Ibarra, hinarang ni Elias si Padre Damaso at binugbog ito dahil sa kasalanan na nagawa niya noon sa kanilang pamilya at mga kaibigan.
Patuloy na panoorin ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Naka-livestream din ito nang sabay sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Mapanood naman nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
SAMANTALA, SILIPIN ANG IBA PANG DAPAT ABANGAN SA BAGONG KABANATA NG MARIA CLARA AT IBARRA DITO: