
Nagbahagi si Kapuso actor Rocco Nacino ng espesyal na behind-the-scenes pictures mula sa set ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Source: nacinorocco (IG)
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang aktor ng ilang larawan niya kasama ang makatotohanang crocodile prop na ginamit sa isa sa kanyang mga eksena bilang Elias, ang misteryosong bangkero na magiging katuwang ni Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo).
Matatandaang nakipagtunggali si Elias sa isang buwaya habang nagdadaos ng salu-salo si Ibarra (Dennis Trillo) sa ilog.
Bukod sa crocodile prop, ibinida rin ni Rocco ang mga taong tumulong sa pagbuo ng eksenang iyon.
"Friends naman po talaga kami ni Mr Buwaya.
"Gusto lang magpakitang gilas si Elias mga tao ng San Diego. Sulit talent fee ni buwaya!
#MariaClaraAtIbarra," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Panoorin ang pakikipagtunggali ni Elias at ni Ibarra sa buwaya sa ilog dito:
Patuloy na panoorin ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.