TV

Fans ng 'Maria Clara at Ibarra,' nagpadala ng food truck sa set

By Marah Ruiz

Ibang level talaga ang fans ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra!

Bilang pagpapakita ng suporta at pasasalamat sa much-loved at top-rating na serye, nagpadala ang fans ng food truck sa set ngayong araw, December 27.

Hatid nila ang kape at snacks para sa cast, crew, at staff sa "Operation: Food Truck for MCI."

May personalized banner at cup sleeve pa para sa fan project na ito featuring Maria Clara at Ibarra fan art ng tambalang Maria Clara at Ibarra o ClariSostomo at Fidel at Klay o FiLay.

Nakahalubilo din nina Barbie Forteza at David Licauco ang ilang fans na naghandog sa kanila ng ilang pang mga regalo.

Sa isang Instagram reel, nagpasalamat si Barbie sa fans na nag-organize ng proyektong ito para sa kanila.

"Thank you so much FiLay & ClariSostomo fans for this super sweet surprise! Napasaya ninyo ang buong MCI Team. Mabuhay kayo!," sulat niya sa caption ng kaniyang post.

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)

Nag-post din si Julie Anne San Jose ng kaniyang cup sleeve.

Samantala, ngayong gabi, December 27, ipapatawag ni Padre Salvi si Maria Clara para sa isang masinsinang pag-uusap. Haharanahin naman ni Fidel si Klay.

Patuloy na tumutok sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG EXCLUSIVE SNEAK PEEK NG FIRST KISS NINA KLAY AT FIDEL SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: