GMA Logo Dennis Trillo
What's on TV

Dennis Trillo at mga nasa likod ng 'Maria Clara at Ibarra,' nakiisa sa paggunita ng Rizal Day

Published December 31, 2022 5:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo


Dennis Trillo at ilang kabilang sa team ng 'Maria Clara at Ibarra,' naging bahagi ng ikapitong DigiCon ng Ayala Foundation.

Nakiisa si Dennis Trillo at ilan pang mga nasa likod ng Maria Clara at Ibarra sa naganap na ikapitong digicon na ni-launch ng Ayala Foundation noong Huwebes, December 29.

Ang naturang event ay bahagi ng pagdiriwang para sa Rizal Day na idinaos naman kahapon, December 30, 2022.

Hangad nitong mas maipahayag pa ang kagitingan ni Dr. Jose P. Rizal na may akda ng Noli Me Tangere, ang pangunahing pinagbasehan ng pinag-uusapang GMA series ngayon na Maria Clara at Ibarra.

Bukod sa aktor, dumalo rin sa digicon sina GMA Entertainment Group Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy, Headwriter na si Suzette Doctolero, at Direk Zig Dulay.

Pahayag ni Dennis, “Natutuwa po kami na lahat ng nandito… na hindi lang 'yung masa 'yung naabot namin kundi pati na rin 'yung mga critical na audience na talagang 'yung iba sa kanila ay nagbibigay pa ng mga teorya sa mga characters.

Ang naturang hit historical portal fantasy series ay kasalukuyang napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Napapanood sa serye bilang lead stars ang Kapuso actor na si Dennis kasama sina Barbie Forteza at Julie Anne San Jose.

Panoorin ang Chika Minute report na ito:

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG MARIA CLARA AT IBARRA SA GALLERY SA IBABA: