TV

Andrea Torres, nagpaalam na sa kanyang 'Maria Clara at Ibarra' role na Sisa

By Abbygael Hilario

Lubos ang pasasalamat ng Kapuso star na si Andrea Torres sa mga manonood na suporta sa kaniyang role sa Maria Clara at Ibarra.

Sa episode ng Maria Clara at Ibarra kagabi, January 13, nagpaalam na ang kaniyang karakter na si Sisa, ang ina nina Crispin at Basilio.

Para sa Kapuso actress, tumatak sa kaniyang puso at isipan ang naturang karakter kung kaya't hindi niya ito malilimutan.

“Sisa, maraming salamat sa karangalan na maisabuhay ang kwento mo ❤️ At maraming salamat sa inyong lahat at pinapasok niyo kami sa inyong mga puso. Isa ito sa mga role na di ko kailanman mabibitawan at haaaay, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa biyayang ito,” aniya sa kaniyang Twitter post.

Nag-iwan naman ng mensahe para kay Andrea si Stanley Abuloc, ang batang aktor na gumanap bilang kaniyang anak na si Basilio.

“Mahal kong Inay, Sisa, mami-miss po kita I'm so happy and grateful to work with you as your son Basilio. Everytime nagte-take po tayo feel ko po talaga nanay ko kayo. Napakagaling at napakabait niyo po. Mami-miss kita sobra. I love you po nanay, Sisa. -Basilio❤️❤️❤️,” sulat niya.

Umani naman ng papuri si Andrea mula sa netizens dahil sa kaniyang hindi matatawaran na husay sa pag-arte.

“Maraming salamat sa mahusay na pagganap mo, Ms. Andrea. Dahil sa nakadadala mong pagsasabuhay, hindi lang namin naunawaan ang pinagdaanan n'ya kundi naramdaman din namin ito. Ang pagganap mo bilang Sisa ay isa sa pinakamagandang nangyari sa PH television. Maraming salamat!” komento ni @jslqliese.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA KARAKTER NA GINAMPANAN NI ANDREA TORRES: