TV

Cast ng 'Maria Clara at Ibarra,' pinagkaguluhan sa Lumang Gapan, Nueva Ecija

By Marah Ruiz

Nagpapatuloy ang taping ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra para sa parating nitong bagong yugto.

Dumayo ang cast at crew nito sa Lumang Gapan, Nueva Ecija para kumuha ng ilang mga eksena doon.

Maraming fans ng programa ang bumista sa set para makita ang kanilang mga idolo at para makakuha na rin ng sneak peek sa mga eksenang dapat abangan sa show.

Kabilang sa mga spotted sa Lumang Gapan sina Dennis Trillo, Barbie Forteza at David Licauco.


Sa takbo ng kuwento, nalalapit na ang pagtatapos ng Noli Me Tangere kaya napipinto na rin ang pagbabalik ni Klay (Barbie Forteza) sa sarili niyang mundo.

Tatawid na ang serye sa pangalawang nobela ni Jose Rizal na El Filibusterismo. Paano makakabalik si Klay sa mundo ng nobela? Ano ang madadatnan niya sa mga karakter na iniwan niya dito?

Patuloy na tutukan ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.

NARITO RIN ANG ISANG EXCLUSIVE SNEAK PEEK SA BAGONG YUGTO NG MARIA CLARA AT IBARRA: