What's on TV

Khalil Ramos, mapapanood na bilang Basilio sa 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Published January 26, 2023 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Khalil Ramos as Basilio


Mapapanood na si Khalil Ramos bilang ang binatang si Basilio sa 'Maria Clara at Ibarra.'

Magsisimula na ang yugto ng El Filibusterismo sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Kasabay nito ang pagpasok ng ilang bago at mga nagbabalik na karakter mula sa nobela. Isa sa mga nagbabalik ay ang karakter na si Basilio na ngayon ay binata na at nag-aaral ng medisina.

Ang aktor na si Khalil Ramos ang gaganap bilang ang binatang si Basilio.

Sa ika-84 episode ng serye, 'di inaasahang makikita ni Basilio sa gubat ang misteryosong alahero na si Simoun, played by Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Dahil hindi suot ni Simoun ang kulay asul niyang salamin, makikilala siya ni Basilio bilang si Crisostomo Ibarra na 13 taon nang pinaniniwalaang patay. Makikita ring ibang iba na ito mula sa mahinahon at mapagtimping ginoo na nakilala niya noon.

"Ako ang hukom na nais parusahan ang isang sistema," pahayag ni Simoun.

Samantala, nagsusumikap naman si Klay--karakter ni Barbie Forteza--na makabalik sa mundo ng nobela.

Abangan si Khalil Ramos bilang binatang Basilio sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.

SAMANTALA, NARITO ANG ISANG EXCLUSIVE SNEAK PEEK SA BAGONG YUGTO NG MARIA CLARA AT IBARRA: