TV

MUST-SEE: Barbie Forteza's 'get ready with me' video bilang Klay ng 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz

Talagang hinahangaan ng mga manonood ang bihis at ayos ng mga karakter sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Ibinahagi ng lead star nitong si Barbie Forteza ang isang maikling video kung saan inaayusan siya bilang karakter niyang si Klay.

Source: @barbaraforteza/IG

Ang video ay mula sa TikTok account ng hair and makeup artist na si Toni Aviles at kuha ito sa press conference ng Maria Clara at Ibarra.

Makikita sa video si Barbie at ang kanyang glam team. Inaayos ang hair at makeup ni Barbie habang kinakabitan din siya ng iba't ibang accessories. Unti-unti ring kinukumpleto ang kanyang traje de mestiza.

Patuloy na tunghayan ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maaari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.

SAMANTALA, NARITO ANG MGA BAGO AT NAGBABALIK NA KARAKTER SA EL FILIBUSTERISMO ARC NG MARIA CLARA AT IBARRA: