
Nagpaalam na rin si Kapuso actor at Sparkle star Rocco Nacino sa kanyang karakter sa pagtatapos ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Nag-sign off siya bilang si Elias sa tulong ng kanyang four-month old son na si Ezren.
Sa isang post as Instagram, binihisan ni Rocco ang anak ng crocheted version ng kanyang costume bilang si Elias. Kumpleto pa ito ng armas niyang sundang at ang sumbrero niyang kung tawagin ay tabungaw.
"Mabuhay ang mga anak ng bayan! - Baby Elias
"Congratulations po sa lahat ng bumubuo ng #MariaClaraAtIbarra at naway nakapagbigay aral ito para sa ating mga kabataang Kapuso! Isang napakalaking karangalan na maging Elias sa kwentong ito.
"Elias, signing off. Enjoy po mga Kapuso sa pagtatapos ng Maria Clara at Ibarra!" sulat ni Rocco sa caption ng kanyanag post.
Authentic ang tabungaw na suot ni Rocco sa serye. Ang tabungaw ay isang headwear na gawa sa isang uri ng upo.
Gawa ito mismo ni Teofilo Garcia, na kinikilala bilang pangunahing manlilikha ng tabungaw. Hinandugan siya noong 2012 ng Gawad Manlilikha ng Bayan dahil sa patuloy niyang paglikha at pag-innovate sa tabungaw.
Samantala, nagpagawa naman si Rocco ng espesyal na clay figurines para alalahanin ang pagganap niya bilang Elias.
Kahit nagptapos na ang serye, maari pa ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Magsisimula na rin ang megaseryeng Mga Lihim ni Urduja kaya huwag palampasin ang unang episode nito sa February 27, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
SAMANTALA, NARITO ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NA KUHA SA SET NG MARIA CLARA AT IBARRA: