TV

Marian nagpakitang gilas sa ere

By SAMANTHA PORTILLO



Hindi lang pang dance floor ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil kaya rin niyang magsayaw maging sa ere. Isa lang iyan sa mga ipinakita niyang galaw noong nakaraang episode ng Marian.

Ang proud boyfriend ni Marian na si Kapuso Primetime King, Dingdong Dantes, nagpost pa ng message of support para sa nobya sa kanyang Instagram account na @dongdantes. (insert dong's msg)

Opening number pa lang, pasabog na agad si Marian. Naka-animal printed jumpsuit siya nang lumabas sa stage at nagpakitang gilas sa kanyang aerial silk dance number. Napaka graceful ng sexiest dancing diva habang nakabitin siya sa silk ropes. Raise Your Glass ni Pink ang tugtog, at ang talented na si Victor Guison ang nagdrums.

Nagkaroon din ng reunion onstage ang Sexbomb Girls. Tatlo sa kanilang top dance crazes ang kanilang isinayaw. Una diyan ang Bakit Papa na pinangunahan ni Rochelle Pangilinan. Sinayaw din nila ang Halukay Ube. Para sa finale, nakasama nila si Marian sa pagsasayaw ng Spageti song.

Sumunod rito ang Battle of Dance Champions. Nag showdown sina Mark Herras at Sef Cadayona kasama and UPEEPZ at Legit Status. Ipinakita nila ang ekspertong hip-hop at street dance moves.

First time namang magsama sa dance floor ng mag-amang sina Joey at Wyn Marquez. Nag-Latin style ballroom dance ang dalawa. Nakasama rin nila si Marian sa pagsasayaw.

Pagkatapos nilang sumayaw ay nakipagkulitan ang mag-ama kay Marian sa isang masayang interview.

Mas naging masaya pa ang programa nang magtawag si Marian ng dalawang fans sa stage. Nakipagshowdown sila kay Marian. Kapwa nakatanggap ng Marian shirt ang fans sa kanilang pagpapakitang gilas.

Hindi natapos ang Marian nang hindi nagperform ang host na si Christian Bautista kasama si Julie Anne San Jose. Kakaibang rendition ang ginawa nila sa kantang Happy ni Pharrell Williams.

Ibang klaseng entertainment talaga ang hatid sa Marian tuwing Sabado ng gabi kaya abangan kung anong mga sorpresa ang naghihintay sa susunod na episode!