TV

Marian Rivera at Dingdong Dantes, magsasama sa dance floor?

By SAMANTHA PORTILLO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Noong July 26, nagkaroon ng “Meet and Greet” event si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Bacoor, Cavite. Tuwang tuwa ang mga fans nang sumayaw si Marian para sa kanila. Kailan kaya sila magsasama ni Dingdong Dantes sa dance floor?


Ulat ni Cata Tibayan ng 24 Oras, hindi lang mga taga-Cavite ang pumunta sa event ni Marian. Mayroon ding mga pumunta galing sa iba’t ibang parte ng probinsya, makita lamang ang kanilang idolo.

Humataw agad sa dance floor ang Primetime Queen at kumanta pa. Gumiling-giling si Marian Rivera na talaga namang ikinasaya ng fans.

Kinagiliwan rin ang dancefloor showdown ni Marian kasama ang sexy Kapuso actresses na sina Bela Padilla at Sam Pinto sa kanyang dance variety show na Marian noong Sabado.

Dapat din daw abangan ang guesting ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa show bago matapos ang buwan. Ayon kay Marian, hindi na niya maitago ang kanyang excitement.

Sa August 2 na ang birthday ni Dingdong. Kahit busy sila sa kani-kanilang shows, sisiguraduhin daw ni Marian na mapapasaya niya ang kanyang boyfriend. Ipagluluto raw niya si Dong ng mga paboritong pagkain nito.