TV

Test Your Knowledge: The Primetime Queen sits as a gangnam at 'Celebrity Bluff'

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Sa selebrasyon ng birthday ni Marian Rivera, umupo siya sa gitna nina Boobay at Jose Manalo para maging isang Gangnam sa Celebrity Bluff.

Naglaro naman bilang contestants ang kanyang Carmela co-stars na sina Roi Vinzon at Raymond Bagatsing, close friends na sina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan, at fellow Kapuso artists na sina Enzo Pineda at Rocco Nacino.

Kaya mo bang ma-impress ang Primetime Queen? Alamin sa quiz na ito.

1. Noong 11th century, ano ang unang ginamit na pamalo ng bola sa isang tennis game?
A. Bilao
B. Paddle
C. Kamay

2. Sa mga popcorn, ano ang tawag sa nilutong butil na hindi pumutok o nag-'pop'?
A. Baby love
B. Old maid
C. Shy girl

3. Sa South Korea, ano ang nakikita mo sa screen kapag ikaw ay nanonood ng isang 'mok-bang'?
A. Martial arts
B. Pagkain/mga kumakain
C. Mga nag-yo-yoga o meditate

4. Sa kasaysayan ng USA, si John F. Kennedy ang nag-iisang US President na ______.
A. Katoliko
B. Genius
C. Model

5. Anong hayop ang may 'longest memory'?
A. Elephant
B. Dolphin
C. Sea turtle

6. Ayon sa Oxford English Dictionary, pinakamaraming English words ang nagsisimula sa anong letter?
A. N
B. E
C. S

7. Aling apat na dating pangulo ng Pilipinas ang nag-deliver ng pinakamaraming State of the Nation Address o SONA?
A. Ferdinand Marcos 
B. Manuel L. Quezon 
C. Diosdado Macapagal
D. Corazon Aquino
E. Gloria Macapagal Arroyo 
F. Fidel Ramos 

Answer key:
1. C — Mga French monks ang unang naglaro ng tennis noong 11th century at ang gamit nilang pamalo ng bola noon ay bare hands.
2. B — Kapag hindi nag-pop ang popcorn habang linuluto, ibig sabihin, kulang ang moisture nito to create steam para mag-explode. Sa popcorn industry, ang tawag dito ay old maid.
3. B — Sa Mok-bang, ang internet blogger ay mapapanood na kumakain at nag-co-comment kung masarap ang pagkain o hindi.
4. A — May 44 presidents na ang U.S.A. Out of those 44, si John F. Kennedy na nanungkulan mula 1961 hanggang 1963, lamang ang Roman Catholic.
5. B — Batay sa scientific studies, napag-alamang dolphins ang may best memory among animals. They can remember as far as 20 years ago.
6. C — Ang letrang may pinaka-maraming English words ay ang nagsisimula sa letter S. Pinaka-kaunti ang letter X.
7. A, B, E, F