TV

The final battle on the dance floor

By ANN CHARMAINE AQUINO


Isang makapigil hiningang Celebrity Dance Finals ang naganap nitong Sabado sa Marian, kaya naman ating balikan ang naganap na patalbugan sa dance floor.

For the finals, napiling mag-judge ang isang all-around performer at nagbabalik Kapuso, si Iya Villania.

Unang sumalang sa dance floor ay sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Dito ipinakita ng dalawa ang kanilang cute chemistry through a love-hate number in a lab inspired dance number.

Pahayag ni Iya, “I really loved your pa-sweet and your pa-cute concept. It was very fitting for your age, at 'yung mga tinginan ninyo, may kilig e. That's why I really enjoyed your performance kanina”.

Sumunod na nagpakita ng kanilang dance moves ay sina Rodfill Sparks at Boobay. Ipinakita naman nila ang kakaibang comedic moves na pumatok sa kanilang judge.

“Buti buhay ka pa Boobay,” biro ni Iya.

Dagdag niya, “Sobra akong nag-enjoy sa performance ninyo. It was so entertaining. Grabe!”

Hindi naman nagpahuli sina Betong Sumaya at Arny Ross sa dance floor in their jungle-inspired number with stunts dance routine. Ayon kay Iya, humanga siya sa performance ng dalawa ngunit ang pinaka nakakuha ng kanyang atensyon ay ang performance ni Betong.

Aniya, “You really captured my heart sa pagiging todo-bigay sa performance mo kanina.”

Inamin ni Iya na nahirapan siya sa kanyang pagpili ng winner. Pero bago niya i-announce ito, nagbigay siya ng maikling mensahe sa tatlong grupo.

“Ang aking mensahe, ay congratulations muna sa kanilang lahat. Kasi hindi naman talaga madali na magconceptualize ng bagong sayaw every week, to work on the chemistry, 'yung page-execute, hindi siya madali. Kaya, congratulations for coming this far.”

Dagdag ni Iya, "sa aking scoreboard, halos pantay-pantay silang lahat. They were all very entertaining in different levels. Like may animalistic, may pa-cute, may comedy. Yung naiba ngayon sa kanilang performance ay 'yung audience impact. I think sa pair na 'to, dahil may mga naganap na hindi dapat, nagkaroon ng konting suspense at may surprise element tuloy.”

Kaya naman ang nagwagi sa Celebrity Dance Finals ng Marian ay ang kakaiba at nakakatawang performance na inihandog nina Roadfill Sparks at Boobay.