advertisement
TV

IN PHOTOS: Most viewed episodes of 'Mars Pa More' this 2021

1 of 11

LJ Reyes

Sa “Shot o Sagot” segment ng 'Mars Pa More' noong August 27, kailangang banggitin ni Kapuso actress LJ Reyes kung ano ang pinakamatinding rason kung bakit sumama ang loob o nagalit si Paolo Contis sa kanya.

“Wala, ang bait ko, e,” sagot ng aktres. Nang tanungin ni Mars Camille Prats kung mayroon bang ikinatampo ang 'I Left My Heart in Sorsogon' actor sa aktres, sinabi ni LJ na hindi matampuhin ang kanyang dating partner. Sa huli, napa-shot ang Kapuso actress-host.

Noong September 2, kinumpirma ni LJ Reyes sa isang interview kay Boy Abunda na hiwalay na sila ng kanyang ex-boyfriend na si Paolo Contis.

Ngayong taon, ito ang most-viewed clip ng 'Mars Pa More' sa YouTube channel ng GMANetwork dahil nasa mahigit 622,000 ang view count nito.

2 of 11

King Badger

Inamin ni Jon Gutierrez, o King Badger, sa “Mars Sharing Group: Love Story Themes” segment ng 'Mars Pa More' noong April 13 na ang dating asawa nito na si Jelai Andres ang decision-maker sa kanilang dalawa.

“In terms of power, I would say, we both have power in our relationship and nobody's in full control. Sa marriage naman, I would say… she's the decision-maker.” paliwanag ng aktor.

Umabot na sa mahigit 349,000 views ang video na ito sa official YouTube channel ng GMANetwork.

Noong 2018, ikinasal ang celebrity couple sa Tagaytay ngunit kinumpirma ng dating 'Owe My Love' actress ang kanyang heartache noong April 2019. Ayon sa vlogger-turned-actress, nagkabalikan sila ng kanyang asawa habang nasa set ng 'Owe My Love.'

Bago pa man kumpirmahin ang kanilang comeback sa publiko, naging trending topic sa Twitter ang aktres matapos mag-post ng ilang tweets tungkol sa panloloko o infidelity.

3 of 11

Megan Young

Ipinaliwanag ni actress Megan Young sa segment na "Sa Mars Pa More Ka Magpaliwanag” kung bakit siya naging emosyonal nang mapag-usapan nila ng kanyang asawang si Mikael Daez ang posibilidad ng kanilang paghihiwalay.

Aniya, “When we were brainstorming for our podcast topics, parang we just threw out different topics, parang ano ba 'yung puwede [naming] pag-usapan.” Ibinahagi ng Miss World 2013 titleholder na naisip ng Kapuso actor na topic ay paano kung sila'y maghiwalay. 'Tapos naisip ko, 'Shucks paano nga kung maghiwalay kami? Nakakaiyak.' So, nadala na ako sa emosyon,” kuwento ni dating beauty queen.

Umere ang episode na ito noong December 6 at mayroong mahigit 154,000 views sa YouTube channel ng GMANetwork.

advertisement
4 of 11

Bea Alonzo

Noong October 14, hindi napigilang maging emosyonal ni Bea Alonzo sa 'Mars Pa More' matapos marinig ang birthday message sa kanya ni Johnny Manahan o Mr. M.

Pagbati ng kilalang starmaker, “I want to wish you a very happy birthday. Alam mo naman hindi ako gumagawa ng mga ganito. But for you, special ka, very special to me. I hope you have a very nice birthday and very successful career here at GMA. Love you.”

Sa kasalukuyan, nasa 150, 237 views ang video na ito sa YouTube channel ng GMANetwork.

5 of 11

Carmina Villarroel

Sa “Tarantanong” segment ng 'Mars Pa More' noong November 8, sinabi ni actress Carmina Villarroel na pasado raw si Kyline Alcantara bilang girlfriend ng kanyang anak na si Mavy Legaspi.

“Barkada talaga sila. Bago pa lang sila maging magka-love team, magbarkada na sila. So, very comfortable na sila sa isa't isa. Gano'n din naman ako kasi hindi lang naman si Mavy 'yung kaibigan niya, also si Cassy din,” paliwanag niya.

Mayroon itong mahigit 146,000 view counts sa official YouTube channel ng GMANetwork.

6 of 11

Pokwang and Jennica Garcia

Ipinamalas nina Pokwang at Jennica Garcia ang kanilang dance moves nang gawin nila ang trending na “Breakfast Challenge” sa 'Mars Pa More' noong July 23.

Base sa YouTube channel ng GMANetwork, mayroon itong 135,739 views.

advertisement
7 of 11

Tom Rodriguez and Carla Abellana

Noong November 17, ibinahagi nina Kapuso couple Tom Rodriguez at Carla Abellana ang kanilang buhay mag-asawa sa “Scrapbukingan” segment ng 'Mars Pa More,' na mayroong mahigit 126,000 views.

Ayon sa aktres, “It feels amazing knowing that it's the real one na. It's the real one, we're finally married. Parang ngayon palang nagsi-sink in.”

Nang tanungin naman ang 'The World Between Us' star kung ano ang pinaka-espesyal na parte ng kanilang wedding ceremony, ito raw ay noong makita niyang maglakad ang kanyang asawa sa aisle.

Noong October 23, ikinasal sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa Batangas.

8 of 11

Sid Lucero

Isang rebelasyon tungkol kina 'Mars' host Iya Villania at Sid Lucero ang nailahad noong November 15 sa 'Mars Pa More.'

Sa “TaranTanong” segment ng naturang show, tinanong ang Kapuso TV host kung totoo bang niligawan siya noon ng 'The World Between Us' actor at si Drew Arellano ang naging tulay.

Umoo naman ang celebrity mom at sinabi, “Close niya [Sid Lucero] kasi si Drew and I guess he also saw that.. Well, because Drew and I were a love team, nakita rin siguro niya na Drew and I were also close. So, he would've been the perfect bridge.”

Ang segment na ito ay mayroong mahigit 123,000 ang views sa GMANetwork YouTube channel.

9 of 11

Jennica Garcia and Alwyn Uytingco

Sumabak sina 'Las Hermanas' star Jennica Garcia at Alwyn Uytingco sa “Toughpatan” segment ng 'Mars Pa More' nito lamang December 1 at mayroon itong mahigit 116,000 views.

Isang nakakakilig na tanong ni Jennica kay Alwyn ay kung anong Christmas gift ang gusto nito. “Simple lang, Nay. Ikaw,” sagot ng huli.

Paliwanag ng aktor, “Promise, wala na akong hihilingin na gift. After lahat ng nangyari this year, and now we're here again. Just the idea of us being together.”

Sa episode na ito, inilahad nina Alwyn at Jennica ang estado ng kanilang relasyon at at sinabi ng huli na sila'y “on the same page.” Noong May, kinumpirma ng aktres ang hiwalayan nila ng kanyang asawa sa isang ekslusibong panayam ng GMANetwork.com.

advertisement
10 of 11

Paul Salas

Sa “Truth or Lie” segment ng 'Mars Pa More' noong November 1, inamin ni Kapuso hunk Paul Salas na hindi na sila magkarelasyon ng dating nobya nito na si Taki Saito.

Ang segment na ito ay mayroong higit 100,000 views sa YouTube channel ng GMANetwork.

11 of 11

Ruru Madrid

Noong February 25, ipinaliwanag ni Kapuso hunk Ruru Madrid sa “Mars Sharing Group” ang kanyang caption sa larawan nila ni Kapuso actress Bianca Umali.

Sagot niya, “I think 'yung pagiging siya, 'yung siya mismo. I mean 'yung kabuuan niya, nami-miss ko talaga 'yun kapag wala siya. Walang specific na bagay na ginagawa niya or specific na siya.. I mean buong siya, sobrang namimiss ko everytime na wala siya sa tabi ko.”

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 99,000 views na ito sa GMANetwork YouTube channel.