TV

WATCH: Iya Villania, suplada ba in real life?

By Felix Ilaya

Sumagot ng mga maiinit na tanong sina Iya Villania, Chariz Solomon, at Sunshine Dizon sa Mars Pa More “Sharing Group: Saved by the Bell Edition.”

Isa sa mga tanong na sinagot ni Iya ay kung ano ang gusto niyang sabihin sa recent na nang-bash sa kanya.

Ani Iya, "Actually, may nam-bash sa akin, may nag-message sa 'kin sa IG, 'Ang suplada mo pala?'

"Feeling ko ang nangyari, sa isang mall I walk around there because hood ko 'yun, e, wala akong makeup, walang gustong magpa-picture sa 'kin.

"Pero kung kailan ako naka-makeup, doon lang nila gustong magpa-picture sa'kin.

"Ang pangit ko siguro 'pag wala akong makeup, 'no?

"The one time na nandoon ako sa mall na 'yon nang naka-makeup, siyempre, may gustong magpa-picture.

"Pero at the time, medyo late na 'yon, so nagmamadali akong umalis.

“As a nanay, kapag wala ka sa bahay buong araw, all you want is to get home as soon as you can to your children kaya nagmamadali ako.

"May ibang taong humihingi ng picture, 'Ako naman, sige, yes-yes' pero hindi ako humihinto.

“'Pag gusto mong magpa-picture, sabayan mo ako sa paglakad.

"Siguro may isang taong hindi nakasabay, naging suplado siguro sa kanya.

"These are things na mahirap na i-explain sa mga tao but it can come off wrong to them."

Alamin pa ang mga kuwento nina Iya, Chariz, at Sunshine sa Mars Pa More video below: