TV

Pinoy ringside announcer sa WWE, dating Kapuso employee?

By Racquel Quieta

Isang Pinay ngayon ang gumagawa ng pangalan abroad bilang isang ringside announcer para sa World Wrestling Entertainment o WWE. Siya ay walang iba kung hindi si Raine Cruz.

Sa kanyang guest appearance sa Mars Pa More, sinabi ni Raine na hindi niya inaasahan o plinano ang pagiging isang ringside reporter.

“Basically, nag-launch ang WWE ng TikTok announcer contest like last month. And as for me, pangarap ko po talaga to step inside the WWE ring, to be a part of WWE. So, when I saw that opportunity, ang naisip ko lang…okay, well, first of all, wala po kong TikTok at that time,” paliwanag ni Raine.

“So, I was like, 'Well, I have to create a TikTok and then…basically 'yung videos niya is ring announcing while the wrestlers are coming out to the arena, and basically, I uploaded them and hindi ko akalain po na mapipili ako,” dagdag pa niya.

Raine Cruz with Mariko Ledesma and Benjie Paras / Source: Mars Pa More

Kuwento pa ni Raine, isa siya sa mga underdogs sa sinalihang contest kaya hindi raw talaga niya inakalang siya ang magwawagi.

“Kasi, you know 'yung 'pag nag-search ka ng hashtag and then hindi mo mahanap 'yung post mo? Parang medyo ninerbyos po ako dun eh (laughs). So, hindi ko talaga akalain po na mananalo ako kasi nung una inisip ko, 'Oh my god, 'Yung videos ko, hindi siya 'yung parang top liked videos. (laughs) Kaya medyo hindi ako sure. Kaya nung nalaman ko po na nanalo po ako, hindi po ko talaga makapaniwala po.”

Bago maging ringside announcer sa WWE, nagtrabaho si Raine noon bilang researcher sa GMA News and Public Affairs program na Reporter's Notebook.

Mas kilalanin pa ang “Mars of the Hour” na si Raine Cruz sa Mars Pa More video sa itaas.

Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, panoorin sina mars Iya at Camille sa Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 a.m. sa GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Kilalanin ang iba pang mga may dugong Pinoy na namamayagpag sa international scene.