TV

Athena Madrid, boto kay Bianca Umali para sa kapatid na si Ruru Madrid

By Jansen Ramos

Inamin ng To Have and To Hold actress na si Athena Madrid na boto siya kay Bianca Umali bilang girlfriend ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ruru Madrid.

Sa episode ng Mars Pa More noong Biyernes, October 8, sinabi ni Athena na tingin ay forever na ang dalawa nang sumalang sa "Lightning Laglagan" segment ng programa.

"Sa nakikita ko sa kanila ngayon parang sobrang in love kasi sila sa isa't isa e and kung paano sila magmahalan. Sobrang ramdam ko saka,'yon, gustong-gusto ko din si Bianca," pagbunyag ni Athena, na kilala rin sa pangalang Rere, na sumali sa StarStruck Season 7.

Wala pa mang opisyal na pahayag sina Bianca at Ruru tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, pero hayagan naman nilang ibinabahagi ang kanilang nararamdaman sa isa't isa sa social media at patunay diyan ang mga larawan na ito:

Samantala, pagdating naman sa kanyang sariling love life, inamin ni Athena na may chance siyang ma-in love sa kanyang To Have and To Hold leading man na si Luis Hontiveros.

Kaya naman tanong ni Mars Camille, nanliligaw nga ba si Luis sa kanya?

Sagot ni Athena, sabay paliwanag, "Wala po, talaga sobrang tropa kami ni Luis and nasabi ko na may chance kasi kung paano niya ko i-treat sobrang gentleman. Hindi mahirap makatrabaho and, ayun, sobrang bait."

Panoorin ang buong panayam kay Athena sa Mars Pa More sa video sa itaas.

Samantala, tingnan ang sweet photos nina Ruru at Bianca rito: