TV

Bea Alonzo, willing bang makatrabaho ang ex sa isang pelikula?

By Jansen Ramos

Game na sinagot ni Bea Alonzo ang mga juicy na tanong nina Iya Villania-Arellano at Camille Prats-Yambao sa "Lightning Laglagan" segment ng Mars Pa More noong October 14.

Karamihan sa tanong ay tungkol sa kanyang love life na talaga namang laging hot topic online.

Bago ang current boyfriend na si Dominic Roque, may ilan na ring naging ex-boyfriend si Bea sa showbiz.

Kaya tanong ni Mars Iya, willing bang makatrabaho ng aktres ang isang dating nakarelasyon para sa isang pelikula?

Sagot ni Bea, "Depende kung sinong ex. Kung si Zanjoe, okay lang,"

Hindi na ma-palabok ang kanyang paliwanag dahil alam naman daw ng viewers kung sino ang kanyang tinutukoy.

"Siguro alam na ng mga tao 'to, self-explanatory. Depende talaga sa ex," maiksing sabi ni Bea.

Ayon pa kay Bea, masakit ang ma-ghost pero, aniya, hindi niya ime-menos ang nakaranas ng harap-harapang niloko.

Bahagi ng magandang aktres, "Magkaiba siguro 'yun. Hindi ko imemenos 'yung harap-harapang niloko pero, based on my experience, masakit, siyempre, ma-ghost."

Panoorin ang buong segment sa video sa itaas.

Sa ngayon, masaya si Bea sa relasyon nila ng kapwa actor na si Dominic Roque.

Tingnan ang kanilang sweet photos sa gallery na ito: