
Ang bagong Kapuso host na si Kuya Kim Atienza ang bagong pars na makakasana nina Camille Prats at Iya Villania sa Mars Pa More, at nagsimula na siyang mag-taping para sa Kapuso morning show ngayong araw, October 19.
Sa kanyang Instagam post, ipinasilip ni Kuya Kim ang kanyang first taping day sa Mars Pa More.
Mayroon siyang photos na kasama ang kanyang co-hosts na sina Camille at Iya sa kanilang bagong set, at mayroon ding behind-the-scenes video and photos ng kanilang taping.
Saad ni Kuya Kim sa caption: “Such a joy working with my 2 Mars. Thank you for welcoming me as your new Pars. 1st taping day done, Thank you Lord! loving the energy sooo much! @iyavillania @camilleprats @marspamore”
Mapapanood si Kuya Kim sa Mars Pa More simula ngayong Nobyembre, kung saan inaasahang magkakaroon siya ng segment na tiyak magbibigay ng dagdag na kaalaman sa mga manonood.
At inaabangan din ang pagbibigay niya ng boses sa mga pars sa mga napapanahon at relatable na usapin kasama sina mars Iya at Camille.
Excited na ba kayo mapanood si Kuya Kim Atienza sa Mars Pa More? Sound off sa comments section, mga mars at pars!
Mas kilalanin pa si Kuya Kim Atienza sa gallery na ito: