TV

Rocco Nacino, naging isang babaero noon?

By Dianne Mariano

Inamin ni Kapuso actor Rocco Nacino ang isang pagkakamaling nagawa niya noon at ito ay ang pagiging babaero.

Ito ay kanyang ibinahagi sa larong “Lightning Laglagan” ng Mars Pa More, kung saan kailangan niyang sagutin ang tanong na: “Worst wrong move na nagawa mo in life?”

Photo courtesy: Mars Pa More (IG)

Nang tanungin siya ni Mars host Camille Prats tungkol dito, inamin ng To Have And To Hold actor na naging coping mechanism niya ang pambababae dahil siya'y naloko sa kanyang pinakaunang relasyon.

Paliwanag ni Rocco, “Kauna-unahang relationship ko, niloko ako. So, naging coping mechanism ko na dapat manloko ako. 'Tapos after so many years, do'n ko na-realize na mali pala 'yung ginagawa ko.”

Dugtong naman ni Camille, “Na parang ayoko na ako 'yung saktan. Ako nalang 'yung mananakit?”

Umoo naman ang aktor at sinabi, “Yes. Ako 'yung mananakit. Kailangan palitan kita. Gan'on. So, noon pinagalitan ako, inupo ako ng mga taong nagmamahal sa akin sa buhay... ay mali pala.”

Sa kasalukuyan, happily married na si Rocco sa kanyang asawa na si Melissa Gohing-Nacino noong January 21.

Samantala, mapapanood naman si Rocco sa drama series na To Have And To Hold sa GMA Telebabad.

Alamin ang mga nakakaintriga at nakatutuwang mga sagot nina Rocco Nacino at Yasser Mata sa “Lightning Laglagan” sa Mars Pa More video sa itaas.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 a.m. sa GMA.

Muling balikan ang napakagandang wedding ceremony nina Rocco Nacino at Melissa Gohing sa gallery na ito: