TV

Camille Prats, nabuko na may tattoo pala sa 'Mars Pa More'

By Racquel Quieta

Sa recent episode ng Mars Pa More kung saan nag-guest sina Miss World Philippines 2021 Maureen Perez, Miss Supranational Philippines 2021 Dindi Pajares, at Super Sireyna Queen of Queens winner Francine Garcia, nabuko ang host na si Camille Prats na may mga tattoo pala siyang itinatago na hindi alam ng kanyang nanay.

Sa isang special segment na tinawag na “Miss Answer Pa More,” nakipagtagisan ng ganda at talino sina Iya Villania at Camille sa kanilang beauty queen guests, at si Kuya Kim ang nagbato ng mga tanong sa kanila.

Nang si Camille na ang nakasalang, hindi niya inaasahan na mabubuking pala siya sa itatanong sa kanya.

Ang binasang tanong sa kanya ni Kuya Kim ay: “May bago ka raw mga tattoo sa katawan mo. Kung sakaling may isang bago kang idadagdag na body art mo, ano'ng design ito at bakit?”

Noong una ay umiling pa si Camille at sinabing, “No, it's not true.” Pero natawa ito at tila wala nang nagawa kung hindi umamin na lamang.

“Thank you for that wonderful question, Kuya Kim. Salamat din sa pagbuking na may mga tattoo ako sa katawan na hindi alam ng nanay ko,” ani Camille.

Si Camille Prats sa nakakatawa at nakakatuwang Q&A segment na Miss Answer Pa More / Source: gmamarspamore (IG)

At may nakakatawa ring sagot si Camille sa naging tanong sa kanya.

“Pero ngayon dahil alam na niya, Ma, ipapa-tattoo ko ang pangalan mo sa noo ko. Kasi sabi mo, 'pag nahuli mong may mga tattoo ako, ikaw mismo ang magta-tattoo sa akin. I love you and I thank you,” sagot ni Camille na may kasama pang flying kiss.

Panoorin ang kabuuan ng nakakatuwang Q&A segment na “Miss Answer Pa More” sa Mars Pa More video sa itaas.

Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, panoorin sina mars Iya at Camille sa Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 a.m. sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Tingnan ang ilan sa mga Pinay celebrities na may tattoos.