TV

Jennica Garcia and Alwyn Uytingco, inilahad ang estado ng kanilang relasyon

By Dianne Mariano

Isang mainit na rebelasyon ang handog nina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco sa latest episode Mars Pa More kaninang umaga.

Nang i-welcome ang dalawa, agad naman nagsimula ang segment na “TaranTanong,” kung saan sinagot nila ang isang nakakaintrigang tanong tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

“Kayo na ba ulit? Oo o Hindi,” ang TaranTanong para kina Jennica at Alwyn.

Sabay nila itong sinagot at umoo ang aktor ngunit “hindi” naman ang naging sagot ng Las Hermanas star.

Una namang nagpaliwanag si Alwyn at nakatutuwang sinabi, “Ano ipapaliwanag ko? Yes na nga e.” Dagdag na tanong ng aktor kay Jennica, “Bakit no?”

Ayon sa aktres, sila ng kanyang asawa ay “on the same page” at sinabing marami pang healing na kailangang mangyari.

Aniya, “Baka kasi too early to say e, kinakabahan ako. We're on the same page. Of course, we are believing in God for our marriage to work. It's just that I'm not so… there's so much healing that needs to happen. I still have unhealthy coping habits. So, I'm really working on it.”

Kamakailan lamang, nagbahagi ng isang larawan si Alwyn kasama si Jennica at ang dalawa nilang anak, na sina Mori at Alessi, sa isang Japanese restaurant.

Inamin din ng aktres na nasa proseso silang mag-asawa na ayusin muli ang kanilang pamilya.

“I am very thankful to Jesus because he heard my prayers. He gave me what I was asking for-Alwyn to come back for us. He expressed his desire for family restoration,” sagot ni Jennica sa naging panayam niya kay Lhar Santiago ng 24 Oras.

Noong February 2014, ikinasal sina Jennica at Alwyn at ngayo'y mayroon silang dalawang anak na babae. Kinumpirma ng aktres ang paghihiwalay nila ng kanyang asawa noong May.

Samantala, mapapanood naman si Jennica bilang Brenda Macario sa Las Hermanas tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, tutukan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m sa GMA.

Samantala, silipin ang glow up photos ni Jennica Garcia sa gallery na ito: