TV

Sophie Albert at Vin Abrenica, ipinaliwanag ang kanilang underwater maternity photo

By Dianne Mariano

Ibinahagi ng celebrity couple na sina Sophie Albert at Vin Abrenica ang kanilang underwater shot na galing sa maternity photoshoot nila noong February.

Sa “Sa Mars Pa More ka na Magpaliwanag” segment ng Mars Pa More kamakailan, ipinakita ang iba't ibang posts ng first-time parents gaya ng action video ni Vin at ang kanilang Halloween family look.

Bukod dito, ang stunning underwater maternity photo nina Vin at Sophie ay ang huling ipinakita ng tatlong hosts at nagpaliwanag ang showbiz couple.

Ani ni Sophie, “Actually, this was our maternity shoot. Tapos kapag buntis ka pala, magfo-float ka. 'Di ka bababa sa water.”

Ayon sa Kapuso actress, naging challenging ito para sa kanila ni Vin dahil umaangat ang tiyan ng aktres kapag nasa ilalim ng tubig.

Photo courtesy: GMANetwork (YouTube)

Aniya, “Hirap na hirap kami because everytime na bumababa ako sa water, umaangat ako.”

Tinanong naman ni Pars Kuya Kim Atienza kung paano lumubog sa tubig ang celebrity mom.

“Hinila ako ni Vin. Kaya kailangan, kissing shots lang kami,” sagot ni Sophie.

Dagdag pa nila, ilang segundo lamang tinagal para makunan ang kanilang underwater maternity photo.

“A few seconds lang kasi hindi talaga kaya, aangat talaga [siya],” pagbabahagi ni Vin.

Dagdag pa ni Sophie, “Kasi I was pregnant, so I didn't want to hold my breath [for so long]. So.. 1..2.. Angat na.”

Panoorin ang nakatutuwang kuwentuhan nina Sophie Albert at Vin Abrenica kasama sina Mars hosts Iya Villania-Arellano, Camille Prats-Yambao, at Pars Kuya Kim Atienza sa Mars Pa More video sa itaas.

Para sa marami pang celebrity features tulad nito, tutukan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.

Samantala, muling silipin ang breathtaking maternity photoshoot nina Sophie Albert at Vin Abrenica sa gallery na ito.