TV

Sherilyn Reyes, naging emosyonal sa mensahe ng anak niyang si Ryle Santiago

By Dianne Mariano

Hindi napigilang maging emosyonal ni Kapuso star Sherilyn Reyes-Tan matapos marinig ang mensahe mula sa kanyang anak na si Ryle Santiago.

Sa “I Know My Mom Challenge” ng Mars Pa More kamakailan, ipinakita ni Ryle ang iba't ibang reaksyon ng kanyang ina base sa mga scenario na binigay nina Mars host Iya Villania-Arellano at Camille Prats-Yambao.

Matapos ang mga ito, nabigyan din ng pagkakataon si Ryle na magbigay ng isang message sa kanyang ina.

Photo courtesy: GMANetwork (YouTube)

Aniya, “I think it's something that I've already said but I just have to always reiterate to her kasi we're in a tough spot.

“And I just want to say, 'Ma, it's not your fault. It's not your fault and don't ever think na we blame you. Don't ever think na iiwan ka namin because of what's happening. We're in it together. We got in it together, we'll get out of it together.”

Hindi naman napigilang maluha ng aktres matapos marinig ang heartfelt message ng kanyang panganay na anak. Sinabi din ni Sherilyn na siya ay blessed sa kanyang tatlong anak.

Photo courtesy: GMANetwork (YouTube)

Panoorin ang nakatutuwang "I Know My Mom Challenge" nina Sherilyn Reyes-Tan and Ryle Santiago sa Mars Pa More video sa itaas.

Para sa marami pang celebrity features tulad nito, tutukan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.

Samantala, kilalanin ang beautiful family ni Sherilyn Reyes-Tan sa gallery na ito.