What's on TV

Mark Herras, inamin na totoong naiyak habang nasa isang eksena

By Dianne Mariano
Published December 31, 2021 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Herras


Bakit kaya lubos na naiyak si Kapuso actor Mark Herras habang nasa isang eksena?

Inamin ni Kapuso actor Mark Herras na totoong naiyak siya habang nasa isang eksena ng Magpakailanman o #MPK sa Mars Pa More kamakailan.

Ito'y ibinahagi ng aktor matapos itanong sa kanya sa “Lightning Laglagan” segment ng naturang morning show kung kailan ang huling beses na siya'y nag-break down.

“Sa isang eksena sa taping ng #MPK (Magpakailanman). Parang I need to cry sa scene, naging totoo talaga.”

A post shared by Mars Pa More (TV Show) (@gmamarspamore)

Paliwanag niya, “Sa first take, humingi si Direk... sabi niya, 'Mark, I need another one.' Nag-take two kami kasi gusto niya raw mas maramdaman 'yung emotion.

“So, actually ang eksena kasi is hiniwalayan ako ng girlfriend ko pero ang kinuha kong emotion… I just remembered my parents noong namatay sila. So, as one na lang 'yon.”

Ayon pa kay Mark, lubos ang kanyang pag-iyak at pumipiyok-piyok pa ang kanyang boses habang nasa eksena.

Aniya, “During the scene talagang iyak, iyak, iyak, as in. 'Yung salita ko pumipiyok-piyok na ako, which is... I don't do that everytime I do a crying scene. More on talagang acting lang pero humugot ako that time.”

Tinanong naman ni Mars Iya Villania-Arellano kung paano nakabitaw ang dating StarStruck Ultimate Male Survivor sa eksenang iyon.

“Pagka-cut, hinga lang. 'Yun naman 'yung kaya kong gawin, kaya ko naman bumitaw agad. Mabigat lang talaga after that,” sagot ni Mark.

Dagdag pa niya, “It's been a while na humugot ako ng malalim talaga.”

Panoorin ang buong “Lightning Laglagan” segment at alamin ang iba pang sagot nina Mark Herras at Allen Ansay sa Mars Pa More video sa itaas.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.

Samantala, balikan ang most-viewed episodes ng Mars Pa More ngayong 2021 sa gallery na ito.