TV

Alden Richards, may importanteng ibabahagi sa 'Mars Pa More' ngayong Biyernes

By Racquel Quieta

Exciting at talagang kaabang-abang ang guest appearance ng Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa Mars Pa More ngayong Biyernes, January 21, dahil hindi lamang isa kung hindi dalawa ang espesyal na ibabahagi ng Kapuso star sa mga mars at pars.

Una, ikukuwento sa atin ni Alden ang kanyang memorable White Christmas kasama ang kanyang pamilya sa USA nitong nakaraang taon.

Pangalawa, magbabahagi rin siya ng juicy details tungkol sa kanyang upcoming docu-concert na ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr., na gaganapin nitong January 30.

Bukod kay Alden, makakasama rin ng hosts na sina Camille Prats at Kuya Kim Atienza ngayong Biyernes sina Las Hermanas star Thea Tolentino at Kapuso hunk actor Luke Conde.

Ibubulgar nila ang kanilang most unforgettable celebrity encounters at makikipagtagisan ng galing sa marble rug relay.

Mayroon ding infectious disease specialist na magbabahagi ng importanteng impormasyon tungkol sa Omicron, ang kasalukuyang dominant COVID-19 variant.

Huwag palalampasin ang espesyal na Friday morning na puno ng saya, chikahan, at bagong kaalaman sa Mars Pa More, 8:45 a.m. sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.