TV

Alden Richards, ano ang first time na ginawa sa kanyang recent US vacation

By Racquel Quieta

Nitong Biyernes, January 21, muling napanood sa Mars Pa More ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards, at may mga baon siyang kuwento mula sa kanyang US vacation noong nakaraang holiday season.

Sa segment na “Sa Mars Pa More Ka Na Magpaliwanag,” nagkuwento si Alden tungkol sa mga social media photos ng kanyang US vacation kamakailan.

Ayon kay Alden, ang larawan niyang kumakain ay kinunan sa paborito niyang restaurant sa Santana, California.

“I keep on going back to that restaurant po kasi masarap 'yung hot chocolate diyan, e. Tsaka diyan din po ako pumunta noong unang punta ko po diyan.”

Dagdag pa niya, kahit may Omicron surge din sa US, may mga safety protocols namang sinusunod doon kaya naging maingat sila habang namamasyal o kumakain.

“Puwede kang hindi na mag-mask sa labas, pero 'pag enclosed establishments, dapat naka-mask ka kasi hindi ka papapasukin.”

Nagkuwento rin si Alden tungkol sa first time niyang mag-drive ng kotse mula sa American manufacturer na Tesla, na kilala sa kanilang electric cars.

“Wala po siya sa plano--to rent a car. Actually, it's just a rental car,” ani Alden. “It's an electric car po kasi, 'yang Tesla. Very common na po siya sa US and I haven't driven a Tesla before. So, sinubukan ko pong mag-rent for a couple of days and then 'yan po 'yung ginamit naming pang-ikot sa California.”

Ayon kay Alden, ang larawan niyang nagkakape habang nakasakay sa Tesla ay kinunan ng kanyang tiyahin noong sila ay nasa Twin Peaks, isang elevated area sa San Francisco na isa ring tourist attraction.

Nagkuwento rin si Alden tungkol sa kanyang nalalapit na concert na ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr.

“It's a benefit concert po for AR Foundation, and AR Foundation po is a foundation that was put for scholarships po. Nag-ga-grant po tayo ng scholarships sa mga bata,” kuwento ni Alden. “So, all the proceeds po from the concert will go directly to the foundation, for future scholars po for 2022 onwards.”

Nagpasalamat din si Alden sa lahat ng bumili na ng kanilang tickets para sa ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr.

“Sa lahat po ng bumili na ng tickets, thank you so much. Sa January 30 po 'yan, 8:00 p.m,” ani Alden.

Panoorin ang buong kuwento ni Alden Richards tungkol sa kanyang recent US holiday vacation sa Mars Pa More video sa itaas.

Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, panoorin sina mars Iya at Camille sa Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang US vacation photos ni Alden sa gallery sa ibaba: