What's on TV

Andrea Torres, maghihiganti ba sa nagtaksil sa kanya?

By Racquel Quieta
Published February 24, 2022 7:25 PM PHT
Updated February 24, 2022 7:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

andrea torres


Alamin ang opinyon ni Andrea Torres tungkol sa paghihiganti.

Sa Mars Sharing Group segment ng Mars Pa More kamakailan ay sumagot ng mga hypothetical questions ang celebrity guests na sina Andrea Torres, Kimson Tan, at Migs Villasis.

Ang mga tanong ay base sa mga eksena sa mga sikat na Korean series na kinahuhumalingan ng marami ngayon.

Isa sa mga naging tanong ng Mars Pa More hosts ay base sa pangyayari sa K-Drama na The Penthouse.

Tinanong ang mga guests kung aabot ba sila sa puntong maghihiganti sila kung sakaling sila ay pagtaksilan at agawan ng alam nila ay para sa kanila.

andrea torresAndrea Torres, naniniwala ba sa paghihiganti? / Source: Mars Pa More

Walang pag-aalinlangang sinagot ito ni Andrea at sinabing hindi raw siya maghihiganti.

“Hindi talaga ako naniniwala sa ganun, e,” ani Andrea. “Kasi meron ka pang dadalhin na bigat sa sarili mo. Parang makokonsiyensya ka pa. So, hayaan mo na lang.”

Sumang-ayon din siya sa paliwanag ni Migs. Dagdag ni Andrea, “Kasi nga totoo 'yung sinabi mo. 'Pag para sa'yo, mapupunta rin naman sa'yo. Parang magkakaroon ng way para mabalik sa'yo.”

Maging ang Kapuso actor na si Kimson ay hindi rin daw naniniwala sa paghihiganti.

Panoorin ang buong Mars Sharing Group segment sa Mars Pa More video sa itaas.

Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, panoorin sina mars Iya, Camille, at pars Kim sa Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.