GMA Logo carlos agassi
What's on TV

Carlos Agassi, nakaranas ng freak accident sa gym

By Maine Aquino
Published March 3, 2022 7:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Maki, IV of Spades, more Filipino artists make it to Dazed100 Asia
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE
Nadine Samonte undergoes geneplant cancer screen test

Article Inside Page


Showbiz News

carlos agassi


Alamin ang detalye ng freak gym accident na naranasan ni Carlos Agassi dito:

Isang aksidente sa gym ang ibinahagi ng aktor na si Carlos Agassi nang siya ay bumisita sa Mars Pa More.

Ayon sa hunk actor, hindi pa man siya nakakapagsimula ng kaniyang workout ay naaksidente na siya. Kasama niya nang mangyari ang aksidente ang non-showbiz girlfriend niyang si Sarina Yamamoto.

Kuwento ni Carlos kina Kuya Kim Atienza at Iya Villania, "Naglalakad pa lang ako, as in kukunin ko pa lang 'yung weights, nadulas na ako. Pagdulas ko, tatawa sana si girlfriend kaso pagtingin niya sa akin nakita niya tumutulo 'yung dugo. Ako naman sa lakas ng impact, kaysa ma-unconscious ako parang nagising ako, parang nagka-energy ako."

Carlos Agassi

Carlos Agassi

Photo source: Mars Pa More

Ikinagulat ng aktor nang makita niya ang naging resulta ng pagkakadulas sa gym.

"Pagharap ko sa salamin, tatlo na 'yung kilay ko," saad ni Carlos.

Inilahad ni Carlos kung paano siya nadulas at ang pagdala sa kaniya sa ospital para siya ay magamot agad.

"Nag-faceplant ako. 'Yung sapatos ko hindi ko siya ginamit since pandemic, so naiwan. Pag-iwan niya nadulas, nag-faceplant ako. Pagtayo ko, sa akin wala lang, sa kaniya (Sarina) 'yung reaksyon niya, in shock. So after nun dumiretso na kami ng Makati Med, kinunan ako ng ano... 'Okay, wala kayong COVID.' Eventually, natahi, tetanus shot."

Ayon kay Carlos, nagtamo siya ng seven stitches sa kilay at 12 stitches sa kaniyang labi.

Pag-amin pa ni Carlos, "'Pag tinitingnan ko 'yung photos nakakatawa siya, pero noong time na 'yun alam mo 'yung hiyang hiya ka, naiiyak, kasi parang accident or stupidity, hindi ko na alam ano'ng nangyari e. Basta freak accident."

Panoorin ang kuwento ni Carlos dito:

Samantala, alamin ang iba't ibang aksidenteng naranasan ng celebrities sa gallery na ito: