TV

Is Solenn Heussaff ready for baby number two?

By Dianne Mariano

Napasabak sa tanungan si Solenn Heussaff sa Mars Pa More kamakailan at tungkol ito sa pagkakaroon ng isa pang baby.

Ang “TaranTanong” para sa celebrity mom ay kung ngayong taon na ba nya gustong magka-second baby.

“Yes,” sagot ni Solenn.

Paliwanag naman niya kina Mars Pa More hosts Iya Villania, Camille Prats, at Kuya Kim Atienza, “I'm not getting any younger. I think it's a nice gap to have at least two... like a three-year gap. Syempre naman my clock is ticking-ish. Pero ayun, in the next two years dapat.”

Noong September 2021, ibinahagi ni Solenn kay Cata Tibayan ng 24 Oras na gusto niya magkaroon ng dalawang anak.

“Actually, gusto ko, to be quite honest, because 36 na ako and gusto kong dalawang anak. So now would be the perfect time but let's see baka some time next year,” pagbabahagi niya.

Isinilang ang unang anak nina Solenn at Nico Bolzico na si Thylane “Tili” Bolzico noong January 2020.

Panoorin ang “TaranTanong” segment sa Mars Pa More video sa ibaba.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m., sa GMA.

Samantala, silipin ang hot momma photos ni Solenn Heussaff sa gallery na ito.