TV

Sean Lucas at Michael Sager, na-intimidate kay Kyline Alcantara?

By Dianne Mariano

Ibinahagi nina Sparkada members Sean Lucas at Michael Sager sa “Pass The Message” segment ng Mars Pa More kung kanino sila na-i-intimidate sa totoong buhay.

Ayon sa dalawang young actors, sila raw ay nai-intimidate kay Kapuso star Kyline Alcantara.

Paliwanag ni Sean, “Nandoon po kasi siya noong nag-AOS kami tapos noong nakita ko po siya parang hindi lang ako maka-imik. Kaya siya po talaga 'yung naisip ko na-intimidated ako. Hindi naman siguro intimidated more of na-starstruck lang talaga ako.”

Para naman kay Michael, siya rin ay na-starstruck sa aktres nang makita niya ito noong taping nila sa All-Out Sundays.

Aniya, “Actually same kay Sean. I also met Kyline during our taping for AOS. Ang nangyari kasi naghihintay ako sa elevator, lumabas siya. Sabi ko, 'Wow!' Na-starstruck ako noong nakita ko si Kyline. Na-intimidate in a sense na she's very well-known and successful siya kaya sabi ko it's so cool finally seeing her in person because I watch her YouTube videos [and] her performances.”

Kabilang sina Sean at Michael sa pinakabagong youth-oriented group ng Kapuso Network na Sparkada. Ang 17 members ng grupong ito ay handpicked ng renowned starmaker na si Johnny “Mr. M” Manahan.

Panoorin ang buong “Pass The Message” segment sa Mars Pa More video sa ibaba.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m., sa GMA.

Samantala, kilalanin ang iba pang miyembro ng Sparkada sa gallery na ito.