GMA Logo Adrian Alandy
PHOTO COURTESY: gmamarspamore (IG)
What's on TV

Adrian Alandy, ibinahagi ang isang bagay na kanyang pinagsisihan

By Dianne Mariano
Published June 7, 2022 6:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Adrian Alandy


Ano kaya ang isang bagay na pinagsisihan ni Adrian Alandy? Alamin ang kanyang sagot dito.

Tila naging emosyonal ang aktor na si Adrian Alandy nang ibahagi nito ang kuwento tungkol sa isang bagay na pinagsisihan daw niya.

Sa “On The Spot” segment ng Mars Pa More kahapon (June 6), kailangan buuhin ng aktor ang pangungusap na: “Maraming bilin sa akin ang mga magulang ko pero ang #1 na sinuway ko at pinagbabayaran ko pa rin hanggang ngayon ay ______.”

Ayon kay Adrian, ito raw ay noong hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)

Aniya, “Well, I think 'yung hindi ko natapos 'yung college [education] ko. As magulang, 'yun lang ang gusto nilang mangyari sa mga anak nila, makatapos ng pag-aaral. Lahat ng kapatid ko tapos sila lahat ng pag-aaral, lahat sila almost nasa ibang bansa na lahat. Kaunti na lang kaming natira rito.

“Sa akin kasi noong hindi ko natapos ko 'yung college ko, sinabi ko, 'I will work hard and I will… support my family, 'yung mga kamag-anak ko na may kailangan. 'Yun 'yung sinabi ko sa kanila.”

Matapos itong sabihin ni Adrian, hindi napigilan nina Mars Pa More hosts Iya Villania-Arellano, Camille Prats, Kuya Kim Atienza, at Bolera star Gardo Versoza na yakapin ang aktor.

PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)

Patuloy pa ni Adrian, “'Yun 'yung minake point ko sa kanila na kahit hindi ako makatapos, I will work hard for you guys.”

Nagbigay naman ng magandang mensahe si Gardo kay Adrian, at sinabi, “Tignan mo naman kung nasaan ka ngayon 'di ba. Minsan kasi hindi lang naman din 'yun 'yung basehan and pinaparamdam naman ng mga magulang 'yon.”

“Pero s'yempre, deep down inside, iba pa rin 'yung makakapagbigay ka sa kanila ng diploma. Pero s'yempre sa narating mo ngayon, I'm sure higit pa do'n 'yung kaligayahan nila,” dagdag pa niya.

Naging bahagi si Adrian Alandy ng kauna-unahang suspenserye ng GMA na Widows' Web, kung saan binigyang buhay niya ang karakter bilang Vladimir Mabantog.

Panoorin ang buong “On The Spot” segment sa Mars Pa More video sa ibaba.


Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, tutok lamang sa Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes ng umaga sa GMA.

Samantala, silipin ang most-viewed episodes ng Mars Pa More noong 2021 sa gallery na ito.