
Inamin ni Kapuso star Thea Tolentino na sinubukan niyang mag-apply para sa isang corporate job at nakaranas din daw siya ng quarter life crisis.
“Noong nag-scroll ako, kasi nitong huli, as in tinry ko mag-apply kasi gusto ko ng experience sa corporate world,” kwento ni Thea sa “Mars Sharing Group” segment ng Mars Pa More kamakailan.
PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)
Nilinaw naman ni Thea na hindi niya iiwan ang kanyang showbiz career. Aniya, “Hindi naman po. Parang quarter life crisis na feeling na parang ito lang 'yung alam ko. What if magkaroon ng pandemic ulit tapos na-stop 'yung mga projects.
“Work from home,'yung puwedeng gawin. Kasi, ang hirap din po mag-shoot from home at saka nahihirapan talaga mag-isip ng content.”
Ayon pa kay Thea, mayroon siyang nakikitang mga kumpanya na nagha-hire ng fresh graduate ngunit hinahanapan agad ng experience.
Kuwento niya, “Na-encounter ko 'yun. Nakikita ko na fresh graduate preferrably with two years experience.”
Panoorin ang buong “Mars Sharing Group” segment sa Mars Pa More video sa ibaba.
Noong 2020, nagtapos si Thea ng pag-aaral sa kolehiyo sa kursong Business Administration major in Public Administration sa Trinity University of Asia.
Samantala, kilalanin ang ilang celebrities na iniwan ang kanilang showbiz careers para sa regular na trabaho sa gallery na ito.