TV

Me Always You: Abigail's traitor friend

By EJ Chua

Sa latest episode ng Me Always You, mukhang may nakokonsensya na sa kaniyang ginawa.

Ngayong may sakit si Myra (Malinee Adelaide Coates) alalang-alala si Abigail (Fang Dhanantorn Neerasingh) sa kaniyang kalagayan, kaya naman siya na mismo ang nag-alaga rito.

Habang binabantayan ni Abigail ang kaniyang kaibigan, hindi naman mapakali si Myra dahil naaalala niya ang ginawa niyang pagtataksil sa kaniyang bff.

Isang gabi kasi matapos mag-dinner, tinanong ni Myra ang first love ni Abigail na si Kevin (Pae Arak Amornsupasiri) kung may nararamdaman ba ito para sa kaniya.

Tila nahuhulog na ang loob ni Myra sa childhood lover ng kaniyang best friend!

Ilang minuto ang lumipas ay bigla na lamang niya itong hinalikan.

Hindi alam ni Myra na naroon din pala si Abigail at ang katrabaho nito na si Joshua (Nat Kitcharit).

Panoorin sa video na ito kung paano nakita ni Joshua na hinalikan ni Myra ang first love at boss ni Abigail:

Sabay-sabay nating abangan ang mga susunod na pangyayari sa buhay ni Abigail sa Me Always You, mapapanood tuwing Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes, 2: 45 p.m. sa GTV.

Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, kilalanin ang Korean lead stars ng Me Always You sa gallery na ito: