TV

Me Always You: Abigail vs Myra

By EJ Chua

Sa latest episode Me Always You, may friendship na tila magwawakas na!

Isang gabi nang maisip si Abigail (Fang Dhanantorn Neerasingh) na oras na para aminin ang kaniyang tunay na pagkatao sa kaniyang boss na si Kevin (Pae Arak Amornsupasiri), bigla na lamang naging komplikado ang sitwasyon.

Nang magtungo ang dalaga sa condominium ni Kevin, nagulat siya nang makita niyang naghihintay doon ang kaniyang bff na si Myra (Malinee Adelaide Coates).

Bigla na lamang natulala si Abigail dahil tila may kakaibang koneksyon at nangyayari sa pagitan ng kaniyang first love at kaniyang matalik na kaibigan.

Gulat na gulat siya sa kaniyang nasaksihan na palihim pa lang pinupuntahan ni Myra si Kevin at tila nahulog na ang loob nito sa binata.

Panoorin sa video na ito ang naging reaksyon ni Abigail nang makita niyang magkasama ang dalawang taong mahalaga para sa kaniya:

May pag-asa pa nga bang malaman ni Kevin kung sino ang tunay na Abigail?

Sabay-sabay nating abangan ang mga susunod na pangyayari sa nalalapit na pagtatapos ng 'Me Always You,' mapapanood tuwing Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes, 2: 45 p.m. sa GTV.

Panoorin ang Me Always You at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, kilalanin ang Korean lead stars ng 'Me Always You' sa gallery na ito: