TV

Me Always You: Abigail's new life with Kevin | The Finale

By EJ Chua

Sa nalalapit na pagtatapos ng Me Always You, ilang exciting scenes pa ang dapat abangan ng mga manonood.

Kaabang-abang kung si Kevin (Pae Arak Amornsupasiri) na nga ba ang nakasungkit ng puso ni Abigail (Fang Dhanantorn Neerasingh).

Dapat ding subaybayan kung tanggap na nga ba ni Myra (Malinee Adelaide Coates) ang relasyon ng kaniyang BFF at ng childhood lover nito.

Mayroon pa nga bang makakapigil sa pagmamahalan nina Abby at Kevin?

Paano na kaya si Joshua (Nat Kitcharit)? Mababalewala na lang ba ang kaniyang mga effort para kay Abby?

Isa pa sa hindi dapat palampasin ng mga manonood ay kung ano ang buhay na itinadhana para kina Kevin at Abby, at pati na rin sa kanilang mga kaibigan at mga mahal sa buhay.

Huwag palampasin ang mga kasagutan sa huling episode ng 'Me Always You,' bukas, 5: 00 p.m. sa GTV.

Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, kilalanin ang Thai lead stars ng 'Me Always You' sa gallery na ito: