Showbiz News

Sino kina Jak Roberto, Ken Chan, Ivan Dorschner at Addy Raj ang inyong ka-'Meant To Be'?

By BEA RODRIGUEZ

 

Ang gugwapo nga ng mga bisita nina Unang Hirit hosts Suzi Abrera at Lyn Ching kaninang umaga!

Nakasama ng mga hosts sa morning chikahan ang leading men ni Kapuso star Barbie Forteza sa kanyang upcoming Primetime series na Meant To Be.

READ: Bakit sinasabing mahaba ang buhok ni Barbie Forteza? 

Ang “Abs ng Bayan” na si Jak Roberto ay ang mabait na kaibigan ni Billie na si Macoy Dela Cruz, “Good boy po ako dito. May pagka-torpe po ‘yung character ko dito at magkakaroon ako ng lihim na pagtingin kay Barbie pero hindi ko masabi sa kanya.”

Magbabalik serye naman ang dating Destiny Rose star na si Ken Chan pero this time ang maangas na half-Chinese, half-Kapampangan na si Yuan Lee ang kanyang gagampanan.

“Parang ako talaga sa totoong buhay. Kami ni Barbie dito [ay] parang aso’t pusa. Lagi kaming nag-aaway hanggang sa ma-realize ko na mahal ko pala siya,” bahagi ng talented actor.

Ipinakilala naman GMA noong nakaraang araw ang dalawang baguhang Kapuso stars na sina Ivan Dorschner at Addy Raj.

Si Ivan ay Fil-Am sa totoong buhay ngunit laking United Kingdom ang kanyang karakter na si Ethan Spencer–Hughes. “Half-British, half-Filipino, kakadating lang siya ng Pilipinas at mami-meet niya si [Billie].”

Full-blooded Indian naman si Addy. “Ang role ko dito ay [si] Jai Patel [na] galing sa India tapos I struggle with cultural differences. I don’t take my relationships seriously, I shuffle girls," kuwento ng binata. ”

Sa darating na Enero na matutunghayan ang bagong GMA Telebabad soap. Dagdag ni Ken, “Sabay-sabay tayong kiligin, umibig at ma-inspire at sabay-sabay din nating hanapin ang Meant To Be para sa atin.”

READ: Ang Pag-Ibig, Universal… Love knows no boundaries and language