TV

Ano ang advice ni Jak Roberto sa torpeng character niya na si Andoy sa 'Meant To Be'?

By GIA ALLANA SORIANO


Sa isang exclusive interview ng GMAnetwork.com kay Jak Roberto, naikuwento ni Jak kung ano’ng advice ang ibibigay niya kay Andoy kung pwede niyang gawin ito.

“Ang masasabi ko sa character ko bilang si Andoy, sana ‘wag siya sumuko among his friends. Kasi ang taas ng inferiority complex niya sa mga kaibigan niya, feeling niya lagi siyang down, buti na lang nandun ‘yung lola niya na laging nagsasabi sa kanya ng “huwag kang susuko,’ ganyan,” ani ng binata.

First love rin ni Andoy si Billie sa series. Unlike Jai and Ethan na nagka-girlfriend na. Paliwanag ni Jak, “Si Andoy, sobra '‘yung feelings niya kasi kay Billie ay pure, dahil first time niyang na-in love, kumbaga unang beses siya nanligaw.”

Ang character ni Andoy ay very relatable naman daw sa mga torpe na hindi makaamin sa mga crush nila. Sa isang interview kay Jak during an event, sinabi niya na feeling niya mas mabibigyan ng pag-asa ang mga torpe 'pag nakuha ni Andoy ang puso ni Billie.

Dagdag ni Jak, “So, Andoy, let’s go, Team Pandesal.” 

MORE ON 'MEANT TO BE':

IN PHOTOS: A hot, sexy, and funny evening on 'Full House Tonight!'

Meant To Be boys face-off: Sino ang mananalo sa puso mo?