TV

EXCLUSIVE: Jak Roberto, sumagot sa 'knight in shining armor ni Barbie Forteza' title niya

By GIA ALLANA SORIANO

Tinawag ng mommy ni Barbie Forteza si Jak Roberto sa isang mall show na 'knight in shining armor.' Dahil ito sa madalas na pagprotekta ni Jak si Barbie 'pag biglang naitutulak ang dalaga.

READ: Jak Roberto, "knight in shining armor" ni Barbie Forteza? 

Ano nama ang masasabi ni Jak dito?

Aniya, “Actually, nagkataon kasi na dalawang beses nakunan ‘yung ginagawa namin [na pag protekta kay Barbie.] I mean, we protect “Billie,” syempre kahit sino naman sigurong lalaki na nasa position namin, ganun din, they will do the same thing.”

Dagdag pa niya, “So, parang, sa sobrang pagmamahal sa amin ng mga ka-Meant To Be natin, minsan maabot ka lang, minsan nakakalmot. Pero masaya naman kami na ganun. Masaya kami kasi may ganung reaksyon. Keysa hindi ka pinapansin, or wala lang sila sa iyo.”

MORE ON 'MEANT TO BE':

Jak Roberto, may aaminin bilang si Andoy Dela Cruz sa 'Meant To Be'

Ano ang advice ni Jak Roberto sa torpeng character niya na si Andoy sa 'Meant To Be'?

Sino ang office boyfriend mo sa 'Meant To Be' boys?