TV

EXCLUSIVE: Ano ang mararamdaman ni Jak Roberto kung siya ang magiging ka-'Meant To Be' ni Barbie Forteza bilang Billie?

By Gia Allana Soriano

Hanggang ngayon daw ay wala pa ring idea ang cast kung sino ang pipiliin ni Barbie Forteza bilang Billie sa apat na boys sa Meant To Be. Aniya, “Kinakabahan ako, matatapos na kasi kami. Nabasa ko ‘yung script, ang reveal sa mismong araw. Sobrang kabado kami pare-parehas.” 


Aniya, masasaktan daw si Jak kung hindi siya ang pipiliin ni Billie. Ika niya, “Aww. Actually ayoko siyang isipin kasi ang sakit sa karakter ko. Bilang first love ko siya, tapos binigay ko lahat. As in, ano, umikot ng 360 degrees para lang kay Billie. Kung baga lahat ng nakaka-turn off sa lalaki na meron siya, ‘yung torpe, ‘yung tahimik, lahat ‘yun na-break ni Andoy para lang kay Billie.”
 
Nakaka-turn off ba ang pagiging torpe?

Paliwanag ni Jak, “Sa iba. Kasi feeling nung iba ‘yung girls pa ang gagawa ng move para sa guy, 'di ba? Ito kasi, kaya nga sobrang nakakagulat ‘yung karakter ko kung paano nag-evolve, at nag-build ‘yung confidence niya. Ayoko munang isipin kung 'di ako ‘yung mapipili. Pero sa akin, bilang ako si Andoy, ang sakit. Kumbaga, aww, parang binagsakan ako ng langit at lupa ‘yung pakiramdam.”
 
Si Andoy kaya ang mapipili ni Billie? Abangan sa kilig finale ng Meant To Be ngayong June 23 na!