TV

Si Yuan Lee ang ka-Meant To Be ni Billie!

By GIA ALLANA SORIANO

Sa umpisa ay nakilala ni Billie ang apat na boys, sina Ken Chan bilang ang bad boy na si Yuan Lee, si Ivan Dorschner bilang ang gentleman na si Ethan, si Jak Roberto bilang ang torpeng si Andoy, at si Addy Raj bilang ang playboy na si Jai. Magulo naman ang una nilang pagkikita, unti-unting na-fall ang apat kay Billie.

 

Sa hinabahaba ng prusisyon, sa huli ay si Yuan ang pinili ni Billie. Ika nga ng JEYA boys, si Billie lang ang babaeng kinayang sagutin si Yuan kapag may mali itong ginagawa. Kay Billie rin lumambot ang puso ni Yuan. At kahit biglang lumabas na may kambal si Yuan, hindi pa rin iniwan ni Billie ang binata.

 

Sino ang kinilig sa #TeamAsukal ending?