GMA Logo Kokoy de Santos and Miguel Tanfelix
What's on TV

Kokoy de Santos, excited nang makita ng mga manonood ang 'bagong' Miguel Tanfelix sa 'Mga Batang Riles'

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 23, 2024 7:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]

Article Inside Page


Showbiz News

Kokoy de Santos and Miguel Tanfelix


Para kay Kokoy, dapat abangan ng mga tao ang "bagong" Miguel sa 'Mga Batang Riles.'

Ang pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon na upcoming GMA Prime series na Mga Batang Riles ang unang pasabog ng GMA Drama sa taong 2025.

Bukod sa sabik na ang lima na mapanood ang mga eksenang pinagpaguran nila, mas excited si Kokoy mapanood ang transformation ni Miguel na sa Mga Batang Riles ninyo unang makikita.

"Sobrang excited kami, at ako personally, na makita niyo ang bagong Miguel Tanfelix, WOW!' pagbibiro ni Kokoy sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

Aminado rin si Miguel na ang Mga Batang Riles ang pinakamaaksyong serye na nagawa niya sa mahigit dalawang dekada niya sa industriya.

"'Yun 'yung masarap sa pakiramdam and excited na akong maka-relate 'yung mga tao sa produktong ginawa po namin," saad ni Miguel.

Dagdag ni Bruce, "Habang papalapit nang papalapit 'yung airing nito, mas excited 'yung nararamdaman ko compared sa pressure. And, alam ko na binigay namin 'yung lahat, e."

Aminado rin si Raheel na mayroon siyang nararamdaman na pressure bago ipalabas ang Mga Batang Riles sa January 6 sa GMA Prime.

"Nandoon po lagi 'yung pressure, but it's a good pressure, and na-e-excite kami na makita nila 'yung pinaghirapan namin," ani Raheel.

Pangako naman ni Antonio, "Gagawin po namin 'yung 100% namin para sa show na 'to, para matuwa po kayo, and marami kayong matututunan dito."

Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras DITO:

Gagampanan nina Miguel, Kokoy, Bruce, Raheel, at Antonio ang limang magkakaibigan na sina Kidlat, Kulot, Matos, Sig, at Dagul.

Makakasama nila sa Mga Batang Riles sina Ronnie Ricketts, Diana Zubiri, Roderick Paulate, Jay Manalo, Jeric Raval, Desiree Del Valle, at Ms. Eva Darren.

Abangan ang world premiere ng Mga Batang Riles sa January 6, 8:00 p.m., sa GMA Prime.