GMA Logo Miguel Tanfelix in Mga Batang Riles
What's on TV

Miguel Tanfelix, pinahanga ang mga manonood sa 'Mga Batang Riles'

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 8, 2025 7:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Collapsed building
Tsunami warning issued after M7.8 earthquake strikes off Sarangani
Home safety tip for Filipino families: Keep emergency numbers within reach

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix in Mga Batang Riles


Marami ang napaiyak ni Miguel Tanfelix sa kanyang pag-arte bilang si Kidlat ng 'Mga Batang Riles.'

Umani ng papuri ang aktor na si Miguel Tanfelix sa emosyonal niyang pagganap bilang si Kidlat sa drama-action series ng GMA Prime na Mga Batang Riles.

Sa episode kagabi, January 7, emosyonal si Kidlat dahil sa pagkamatay ng kanyang amang si Caloy (Cris Villanueva). Bukod rito, emosyonal rin si Kidlat na nakiusap sa kanyang inang si Maying (Diana Zubiri) na umuwi na sila sa Palawan para umayos na ang kanilang buhay.

Dahil sa nakakaantig na mga eksenang ito, maraming tao ang humanga sa husay at galing ni Miguel sa pag-arte. Komento ng ilan, pati sila ay nadala sa emosyon na nararamdaman ni Kidlat.

Ano kaya ang mangyayari ngayong nagsimula na ang gulo sa Sitio Liwanag?

Tuloy-tuloy na sumama sa laban ng Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood rin ito tuwing 9:40 p.m. sa GTV.