GMA Logo Miguel Tanfelix
What's on TV

Miguel Tanfelix, nagbibigay ng creative input sa 'Mga Batang Riles'

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 15, 2025 2:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix


"Isa 'yan sa pinaka gusto ko sa show na 'to, I have a voice," ito ang masayang kuwento ni Miguel nang mapag-usapan ang pagbibigay niya ng creative input sa 'Mga Batang Riles.'

Masaya ang aktor na si Miguel Tanfelix sa pinagbibidahan niyang drama-action series na Mga Batang Riles dahil pinapakinggan siya ng creative team sa mga suggestion niya sa pagpapaganda ng kanilang teleserye.

Ayon kay Miguel, iniimbitahan siya ng creative team ng Mga Batang Riles tuwing nagmi-meeting ang mga ito para sa kanyang suggestions.

"Isa 'yan sa pinaka gusto ko sa show na 'to. I have a voice, ini-encourage po nila ako tumulong sa creative process, sa paggawa," saad ni Miguel sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

Panoorin ang buong panayam ni Miguel sa 24 Oras:

Ginagampanan ni Miguel ang karakter ni Kidlat, ang tatayong lider ng Mga Batang Riles kasama sina Kulot (Kokoy de Santos), Matos (Bruce Roeland), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Antonio Vinzon).

Nauna nang sinabi ni Miguel na fulfilled siya sa taping ng Mga Batang Riles dahil nakikinig ang staff nito sa mga sinasabi niya sa ikakaganda ng istorya.

Saad ni Miguel sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda, "Grateful ako sa prod dahil pinapakinggan nila 'yung voice ko. So, meron akong mga inputs, kapag meron akong suggestions sa script, sa mga characters, pinapakinggan nila ako."

"Feeling ko, 'yun 'yung masarap gawin sa show dahil feeling mo, may purpose ka, may value 'yung words mo. So, kahit may pressure para sa akin, fulfilled ako every taping day."

A post shared by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_)


Patuloy na sumama sa Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood rin ito sa GTV tuwing 9:20 p.m.