GMA Logo Mga Riles Boys
What's on TV

'Mga Batang Riles' boys, kasabay ng new look ang bagong misyon sa buhay

By Kristian Eric Javier
Published February 6, 2025 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Mga Riles Boys


Ano nga ba ang mga kapansin-pansin na pagbabago sa Riles Boys ng 'Mga Batang Riles'?

Ipinakita ng Mga Batang Riles boys na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, at Anton Vinzon ang kanilang bagong looks para sa serye at kasabay umano nito, ay ang bagong misyon ng kanilang mga karakter.

Sa panayam sa kanila ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, ibinahagi nina Miguel, Kokoy, Raheel, at Anton na malaking effort para sa kanila ang pagbabago ng kanilang looks. Ngunit para kay Miguel, exciting at na-enjoy niya umano ang pagbabago ng kanilang mga itsura sa serye.

“Very exciting kasi ako, mahilig naman po talaga akong mag-experiment sa mga hairstyles kaya ito, na-enjoy ko talaga ito kasi first time kong magpaganitong itsura ng buhok. Atsaka feeling ko naman, bumabagay naman sa character ni Kidlat e,” sabi ng aktor.

Dahil unique ang buhok ni Kokoy, kinailangan niya umanong humingi ng tulong sa kaniyang ina at mga kapatid sa kung anong look nag babagay para sa kaniya, at sa karakter niyang si Kulot.

“Humingi ako ng tulong po sa Ermats ko atsaka sa mga kapatid ko ano ba ' yung pwede. Hindi lang dahil sa look ko as Kokoy, 'yung babagay na transition para kay Kulot,” sabi ni Kokoy.

TINGNAN ANG FASHIONABLE LOOKS NG CAST NG 'MGA BATANG RILES' SA GALLERY NA ITO:

Kasabay ng pagbabago ng kanilang itsura ay ang pagbabago rin ng misyon ng Riles Boys sa kanilang buhay. Ayon kay Anton, mas mature na sila ngayon kumpara sa mga naunang episodes ng serye.

“More mature na po kami dito, responsibility na namin 'yung pamilya namin ngayon, so ayun po, more mature and more skills, mga fighting skills po namin dito,” sabi ng aktor.

Dagdag naman ni Raheel, “Natuto na po sila lumaban so mas makikita na po nila na mas may porma sila sa paglalaban nila, hindi na lang basta-basta na away kalye.”

Excited na rin sina Miguel, Kokoy, Raheel, at Anton sa nagiging takbo ng kuwento ngayon ng Mga Batang Riles, lalo na't may mga nakakasama silang guest stars. Ilan na dito ay sina Aiai delas Alas at Caitlyn Stave. Makakasama rin nila so Joem Bascon sa serye.

Ani Joem, “Ang character ko dito si Dr. K. Isa akong doktor na mapagkawang-gawa, mapagbigay ng awa sa mga bata. Pero siyempre, despite and behind that kabutihan at 'yung goodwill na ginagawa niya, meron siyang sikreto na itinatago.”

Saad naman ni Miguel patungkol sa kailang guest stars, “Nabasa ko ' yung script tapos kapag ilalagay ko sila sa character na nakasulat sa script, parang lalong gumaganda po 'yung storya, bagay na bagay sa kanila.”

Panoorin ang buong panayam nila dito: