GMA Logo ynez veneracion
Courtesy: Mga Batang Riles
What's on TV

Ynez Veneracion, nakita ang kabaitan ni Zephanie nang maaksidente sa set

By Nherz Almo
Published June 20, 2025 3:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 18, 2025
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

ynez veneracion


Puring-puri ni Ynez ang mga binatang aktor ng 'Mga Batang Riles': 'Magagalang na bata.'

Napatunayan daw ni Ynez Veneracion ang kabaitan ng young actress-singer na si Zephanie nang maaksidente siya sa set ng Mga Batang Riles kamakailan.

Naikuwento ito ni Ynez sa ginanap na pocket interview sa kanya ng entertainment press, kasama ang GMANetwork.com, kahapon, June 18.

Habang ginagawa raw nila ang isang eksena sa GMA Prime Series, kung saan nakulong ang mga karakter nila sa isang nasusunog na bahay, natamaan ng kahoy ang kanang hinlalaki ni Ynez.

Sa una raw ay walang kaalam ang mga kasama niya sa eksena na sina Diana Zubiri, Zephanie, at Jillian Ward dahil tuluy-tuloy lang din ang kanyang pag-arte. Hanggang sa napansin na lang daw ng kanilang direktor na tila natahimik na siya. Kaya agad na ipinahinto muna ang eksena para tanungin ang kanyang kalagayan.

“Hindi nila alam na nasaktan na ako, e, kasi hindi na ako makapagsalita. Ganun pala yun, kapag sobrang sakit, hindi ka na makapagsalita. Tinatanong ako nila Diana, hindi talaga ako makapagsalita. Ang nasabi ko na lang, masakit.”

Panoorin ang eksena rito:

Agad naman daw siya binigyan ng paunang lunas. Tinanong din ng executive producer ng program kung gusto niyang magpahatid na sa ospital, subalit tumanggi raw si Ynez.

Katuwiran niya, “Ayaw ko, e, kasi I still have three more shots. Gusto ko na tapusin kasi hindi naman siya namaga agad. Kasi, kung kaya ko naman ang pain, why not? Wala rin namang dugo at kaya ko rin naman na dalhin sa ospital.

“So, kung walang dugo at walang pain, tiisin mo. Kung may dugo, sugod talaga sa ospital. Nandoon kasi ako sa bina-balance ko yung sitwasyon.”

Dahil sa insidenteng ito, nakita raw niya ang kabaitan ni Zephanie, na lagi siyang inaalala.

“Si Zephanie, napakabait. Siya yung nagsilbing nurse ko that night. 'If you need anything, ate, ha,' ganyan-ganyan siya. 'Tapos kapag may hindi ako mabuksan doon, siya yung [gumagawa]. Hindi mo aakalain. Kasi, nandoon lang kami sa set, e, nag-uusap lang ng kung anu-ano.”

Samantala, bukod kay Zephanie, pinuri din ni Ynez ang iba pang lead actors ng Mga Batang Riles.

“Sobrang gaan ng trabaho. Sobrang gaan nilang lahat katrabaho kasi lahat mabait, walang may ere, walang mayabang. Kasi, sa serye, meron, e, mayroong mga akala mo kung sino, nakakainis katrabaho, mayabang, ayaw makihalubilo.

“Ito, wala talaga. Once na magsama-sama kami, tawanan, kuwentuhan, ang gaan.”

“Magagalang na bata. Si Miguel, magaling na aktor, mabait, gustung-gusto ko kung paano siya napalaki ng magulang niya. Yung breeding, iba rin talaga. Alam na alam mong talagang may pinag-aralan.

“'Tapos, yung anak din ni Roi Vinzon [si Anton], unang teleserye niya 'to pero, in fairness, gumaling siya. Noong mga unang [episode] kasi, ano pa siya, nangangapa pa, which is understandable naman. Bata pa, e, 16 'tapos nag-17. Pero ngayon, hindi na siya nate-take two,” kuwento ng aktres.

Patuloy na subaybayan ang pagtatapos ng Mga Batang Riles ngayong linggo sa GMA Prime at Kapuso Stream.

Samantala, balikan ang mga tauhan sa Mga Batang Riles dito: