TV

Music video ng 'Mga Lihim Ni Urduja' official theme song, mapapanood na!

By Dianne Mariano

Mapapanood na ang music video ng official theme song ng mythical primetime mega serye na Mga Lihim Ni Urduja.

Tampok sa music video ang ilang mga emosyonal at matitinding eksena ng programang pinagbibidahan nina Sparkle stars Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.

Ang official theme song ng Mga Lihim Ni Urduja na pinamagatang “Hiyas” ay inawit ni Kapuso diva at dating The Clash finalist na si Jeniffer Maravilla. Isinulat naman ni Ann Margaret Figueroa ang nasabing awitin.

Panoorin ang music video ng official theme song ng Mga Lihim Ni Urduja sa video na ito.

Bukod dito, hindi lamang sa telebisyon sinusubaybayan ng mga manonood ang mga eksena ng Mga Lihim Ni Urduja kung hindi pati online.

Sa katunayan, mayroong mahigit 100 million views ang #MgaLihimNiUrduja tampok ang episodes, matitinding eksena, fan-made videos, at reviews sa short-video streaming app na TikTok.

Tutukan ang mga tumitinding tagpo sa Mga Lihim Ni Urduja, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES SA SET NG MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY NA ITO: