TV

Jeric Gonzales pays tribute to the cast and staff of 'Mga Lihim ni Urduja'

By Abbygael Hilario

Bago magsimula ang huling linggo ng mythical primetime mega serye ng taon na Mga Lihim ni Urduja, nagbahagi ng isang tribute video ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales para sa cast at staff ng action-adventure series.

Sa Instagram, nag-upload ang Sparkle star ng video compilation kung saan mapapanood ang mga kulitan moments ng kaniyang co-stars at production crew ng mega serye habang nasa likod ng kamera.

"Love you guys! - Love, Agent Greg" aniya sa kanyang caption.

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07)

Sa naturang mega serye ay ginagampanan ni Jeric ang karakter ni Agent Greg, isang tactical special ops liaison officer na nagsisilbing handler at protector nina Gem at Crystal.

Samantala, sa nalalabing limang araw ng mega serye ay mas titindi pa ang bakbakan para sa mga nawawalang hiyas ni Hara Urduja (Sanya Lopez).

Babaguhin nina Gem (Kylie Padilla), Crystal (Gabbi Garcia) at Onyx (Vin Abrenica) ang kapalaran ng kanilang bayan. Tutuparin nila ang kanilang misyon at sama-samang ililigtas ang kanilang nasasakupan.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Panoorin ang mega finale week ng Mga Lihim ni Urduja simula Lunes (May 1), 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: