TV

Mega finale ng 'Mga Lihim ni Urduja,' mamaya na!

By Abbygael Hilario

Sa mega finale ng mythical primetime mega serye na Mga Lihim ni Urduja, mababawi na nina Gemma (Kylie Padilla), Crystal (Gabbi Garcia), at Onyx (Vin Abrenica) ang mga makapangyarihang hiyas laban kay Chairman (Zoren Legaspi).

Sa #UrdujaDigmaan episode kagabi, nalaman ng magkakapatid na itinakda na si Chairman, Maestro Marius at si Ibn Battuta ay iisa!

Hindi naman nila hinayaang tuluyang maghari ito at ipinaglaban nila ang mga hiyas ng kanilang ninuno.

Sa pagtatapos ng kanilang misyon, marami pa rin ang rebelasyon!

Buhay si Freya (Michelle Dee) at kakampi ito ng Team Urduja. Magigising na rin si Hara Urduja mula sa pagkakahimbing niya ng matagal na panahon.

Paano kaya nakaligtas si Freya sa tangkang pagpatay sa kanya noon ni Valencia (Arra San Agustin)? Talaga nga bang tapos na ang laban ng mga itinakda? Mababawi na kaya ni Urduja ang Tawalisi laban kay Dayang Iloguin (Winwyn Marquez)?

Tunghayan ang mega finale ng Mga Lihim ni Urduja ngayong gabi, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY NA ITO: